Youtube

Youtube
My youTube channel

Peace of mind

Pages

Wednesday, September 23, 2009

A sign? Or simply a coincidence

I don't know if you believe in Signs or Messages from Nature. For me, I think they exist, for how can Nature communicate with us without them. In fact, they always happen everyday like when branches of trees swayed swiftly to and fro is a sign telling us that its windy out there. You may or may not experience any kind of sign, but I guess for the most of us -- we have.

Just recently, I learned something that made me wonder the reason why I was directed to this place I am staying now.

I called the place a warehouse. This was once where surplus cars from Korea had been housed, repaired, painted, and displayed ready for sell. When I arrived here that business was halted due to the ban imposed by the Philippine government, as what I heard. Because of this, the owner shifted to importing surplus automotive spare parts from Japan. This kind of business didn't flourish too. Eventually, my boss moved to another location, luckily I managed to remain with the permission of the owner of the property. When I arrived in this place, I was already into the study of the French language on my own. Later by necessity, I studied a little of Japanese characters for me to understand my Japanese computers; then, to book writing, website creation, and etc., as new ideas came to my attention.

By the time I was already busy organizing my Art Exhibit and other projects, my co-worker before, an old man, who had been working ahead of me in that same place and company as the surplus shop, mentioned to me, when I told him about my experience of this profound Peace of Mind, that in that very place where I was staying he once found a little Book that gave accounts to the author's experiences of her journey to that coveted Peace of Mind. Though his accidental finding of that little book took place a long time, 6-7 years perhaps, he still remember the name of the author. Her name is Filomena Forest. The author was obviously fascinated with her experiences that she wrote that little book. She was already close to being 90 years old when she wrote that book. No need to say, the book details about her fascination on longevity.

Even if there is really no connection between the events mentioned, but I love to believe that they have real significance – for me, it makes life so interesting; because a bit of mystery surely adds lilt to one's life that believes in it.

Tuesday, September 22, 2009

Killer Tree

The date is Sept. 21, 2009. Today is morning, around 8:00 o’clock. I am at home cooking my food, good for the whole day. I use firewood, since I couldn’t afford yet for a more convenient one.

The first thing I do this morning is trimmed the branches of a young tree that overhangs on my neighbor’s wall, for they complained about it just yesterday. I am wondering why they acted that way, but I guess I know why:

“Years ago, there was once a huge tree inside their lot, the one that country folks believed to be inhabited with creepy creatures. The mother of this family got cancer. Medical operation was introduced to cure the disease, but it didn’t work. Obviously, desperate for a cure, they consulted a quack doctor, or herbalist to diagnose the disease. The herbalist suggested for them to cut down the tree inside their lot, which is the culprit, according to him. At first, they lied that there wasn’t such a tree in their yard. Surprisingly, the herbalist vehemently insisted its existence. Impressed with the incident they eventually cut the tree. I was there when the tree fell down. After the tree fell down, it doesn’t take too long, the mother died.

Well, even in reality, the mother will soon die, whether or not the tree is cut, but there would always be the notions that her death is caused by the cutting of the tree.”

(to be continued)        

Me and my cats under a tree

Forest!...Shrubs!…Cats!…Man! Under a tree. I turned around to the direction of the voice. By the window, above me, two little kids ( a boy and a girl) were there giggling as they looked down at me. Then they waved their hands as if so excited to see someone living at the back of their flat. To acknowledge them I waved back too. “I’ll show you something,” I said. Quickly, I glided to one corner and snatched one of my paintings. Brandishing it with my raised right arm for them to see, I asked, “ How about this painting, do you like this one?” I heard no response, but I saw them scurried off instead shouting: “Daddy! Daddy! We have a friend here! We have a friend here!”

After they were off, I didn’t wait anymore whether or not someone would appear by the window – I went inside my house under the tree.

The room that I have has already been occupied by cobwebs way up the corners closed to the roof. I don't dust them off; I like the feel of them inside my room – it looked ancient. Plants are all over in the surroundings because I hate barren places. In my lawn, there is a grown up tree, giving shade, fresh air, and food for the birds. During night time, bats, plenty of them, like to play and search for food in the tree's leafy branches. Quite often, it's my habit to stay in the darkness and watch these winged nightly creatures enjoying themselves crisscrossing the space above me.

I am situated in a quite part of town. The residents just don't like to stay outdoors. Like them, I am seldom seen outside too, since there's a lot of things to do within the confines of my place. Then only people that are always visible are those working in the Junk Shop.

In my little nook, there are non-human beings who co-habit with me:There are two frogs (the older one is already a huge) that snuggles in the corner behind a sizable wooded box where I used to store my belongings. The first time I heard that croak – a loud, deep, gurgling sound – I was shaken by it. Later, I came to live with it already. Very rare that I saw these creatures outside; they prefer to hide themselves out of sight. One time, I was shocked, but excited to see one sitting by the door that I had to greet him “hello” as I passed. My voice was not a strange one; I am now learning to talk with anything, including myself – and, it's fun.

I have cats – three of them. They are all stray cats. The oldest one has stayed with me for four years perhaps, he is old now. Unluckily, one of his eyes has caught a disease; it turns white all over. I feel pity of his condition. Years ago, when he was still much younger, he got extremely sick that he couldn't stand at all; he just lay there looking at me with that pitiful eyes; he was so thin already. I thought he would really die very soon. Taken by emotion, I went to his side and gently stroke his head, feet and cared for him like I used to show him before. I felt his body shivered a bit, surprisingly, few hours later he managed to stand up and walk staggering and meowing towards me. I just couldn't believe it! I gave him food and days later he fully regained his health.

I am fond of talking to my cats. When I shifted my language to English, perhaps they found it strange too, for the first few days as I did. I don't have lots of food to give but, at least, I have shared a little of what I have to them.

These cute little creatures are a source of comfort to me – they are my companion in this time of solitude. As I am now beginning to open myself up to people, as much as possible, I have to see to it that my cats are not neglected.

While I am writing these words, one of my cats is sitting on my lap trying playfully to grab the pen out of my hand – an act, a joy to behold.

Wednesday, September 16, 2009

miracle happens everyday

Things that couldn't be explained, and sometimes comes just in the right time to save our day can only be termed as Miracles. Without close observation to their existence, in our day-to-day affairs, they might not be recognized at all.

If we only give ourselves time to analyze the events each day, I am sure we can find that miracles do happen everyday.

I am sharing with you a story I wrote for the television program "Wish Ko Lang" of ABS-CBN, Channel 7, but unfortunately it didn't caught there attention. I entitled it, "Mumunting HImala sa San Diego Drive." An English translation will soon be published here in my blog.

PAUNANG SALITA

Ako po ay si Anselmo Malugao. Doon po ako ipinanganak sa lungsod ng Tagbilaran, Bohol; ngunit doon na ako lumaki sa Mindanao, sa probinsya ng Zamboanga del Norte. Dahil sa aking hangaring makapag-aral sa koleheyo narating ko ang Zamboanga City at Cebu City. At hanggang napunta ako sa Maynila noong taong 1988. Ang pangarap ko talaga ay maging isang matagumpay na Electronics Engineer; kaya nag-aral ako ng kursong Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering (BSECE) sa Cebu City. Sa kasamaang palad, hindi ko natapos ang kursong napili ko dahil nagkaroon ako ng problema sa mga papeles. Wala naman akong problema patungkol sa aking angking kakayahan sa pag-aaral kasi may kunti naman akong talino, ang malaki kong problema ay ang panahon. Sa buhay ko, ilang beses ko itong nakikitang sumasalungat sa aking mga binabalak at lumilikha ng kakaibang landas para sa akin. Noong una nagugulohan ako sa napakasalimoot na pangyayari sa buhay ko na hindi ko nagugustuhan at wala akong naiintindihan—kundi paghihirap; kaya nga, masamang-masama ang kalooban ko noon. Ngunit, sa banding huli, dumating din ang panahon na unti-unti ko ring nauunawaan ang lahat. Sa ngayon, ako’y may apat na po’t dalawang taong gulang na, wala pang asawa, ngunit nakapagtataka na sa halip na malungkot, nararamdaman ko tuloy ang kapayapan, sigla at malaking pag-asa sa hinaharap, na hindi ko nararanasan noon. Dati, nandoon palagi ang kabalisahan at kaba. At akala ko, nang mawala sa akin ang pangarap kong maging isang Engineer, na wala nang makapagpasaya sa akin. Ngayon ko nalalaman na mali pala ako. Nakikita ko sa ngayon ang mga bagay na aking magagawa na mapakinabangan din ng lahat. Sa buong buhay ko, ako’y naghahanap ng karunungan na makatulong sa akin. Sa tingin ko, ngayon, ito ay natatagpuan ko na. Ngunit ang pag-aaral ay isang walang katapusang proseso at ikinakagalak ko ito, dahil sa kasiyahan na naidulot nito. Ang buhay ay sadyang napakahirap unawain minsan, ngunit sa sandaling maunawaan mo ito, handa kanang makipagsapalaran at gawin ang mga bagay na gusto mong gawin—at ang tagumpay ay hindi malayo para sa ‘yo.

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Ala-ala
Ang Pag-alis
Ang tindahan
San Diego Drive
Ang pagsusulat
Singapore
Ang kubo
Natapos ko rin



MUMUNTING HIMALA SA SAN DIEGO DRIVE
Anselmo Malugao

ALA-ALA

Mainit ang araw, ngunit ako ay nagpapatuloy sa paglalakad. Nadaanan ko ang Luneta, Lawton, hanggang nakarating ako sa may Quaipo. At doon na ako nagpaikot-ikot. Ang daming tao; may papunta dito, maypapunta doon; kahit saan; at tila walang pakialam sa paligid basta makakarating lang sa paruruunan—bagay na malaking tulong sa akin, tuwing naghahanap ako ng pangtawid–gutom. Nang makita nila akong namumulot nang makain sa daan, katulad ng tinapay na nasa kalye o nanghahalukay ng makain sa basurahan, wala akong naririnig na kahit anong salita, kundi, tingin lang sila nang tingin—di bali—yon din ang gusto ko; maganda nga, walang disturbo. Ang maruruming pagkain ay puwede narin kay sa wala.
‘Yon ang karanasan ko dati pero ngayong taong 2003 mukhang babalik na naman ako sa dati kong nakagawian. Hindi ko maiwasan ang pagmuni-muni habang ako ay nakahiga sa pangalawang palapag ng isang inaabandunang bahay; kahit butas-butas na ang sahig, dingding at atip na yero nito, ngunit maaari pang tirahan kung nanaisin. Kadalasan, dito na sinasampay ang mga nilalabhan ng mga boarders sa katabing bahay, kung saan isa rin akong boarder dati na nangungupahan sa isang maliit na kuwarto. Sa dahilang nawalan ako nang hanapbuhay, napilitan akong umalis. Noong gabi na naalaala ko yong pamumulot ko ng pagkain, nang ako ay palaboy-laboy pa sa lansangan, ay siyang maging pinakahuli kong araw sa pook na iyon.
Kukunti lang ang mga damit ko, ngunit ang dami ng libro; ang iba hindi na magkasya sa dalawang bag na inihanda ko, kahit ano pang siksik ang gawin. Paano na ‘to! sabi ko. Wala na akong magagawa iiwanan ko nalang ang iba. Pinili ko yong pinakaimportanteng mga libro at yon ang dinala ko—katulad ng dictionary. Mayro’n akong English at saka French. Gusto ko kasing pumunta sa France; noon pa:

Noong nasa mga dalawam po’t pitong taong gulang na ako (27 years old), mula sa lansangan napunta ako sa isang Bahay Ampunan. Ang founder nito ay isang French; kaya nga, maraming mga French Volunteers na tumutulong sa pag-asikaso sa mga bata. Hindi lang mga French ang nagbubuluntaryo, mayro’n ding American, Belgian, Korean, Japanese at mga local Volunteers, na ang karamihan nito ay mga estudyante ng iba-ibang university katulad ng La salle, Ateneo, at iba pa. Habang ako ay nagtatrabaho sa bakery ng ampunan, nagkaroon sana ako ng isang pagkakataon na makapagtrabaho sa France bilang panadero, naabutan lang ng malas hindi natuloy. Ang pagkakataon na yon ang lumikha ng daan upang ako ay mag-aral ng salitang French. Kahit mahirap tinitiis ko. Ngunit, dahil siguro sa aking matinding pangarap na makapunta sa abroad, pangtakip butas sa mga kapalpakan na nangyari sa akin sa mga taong nakalipas, nagkaroon nanaman ako ng panibagong pagkakataon na makarating sa France. Ang plano, mag-aaral muna ako ng “baking” sa isang baking school doon upang magkaroon ng “certificate,” ang kasunod, trabaho na. Sa mga panahon na ‘yon, ang pagpunta lang ng France ang nakikita kong paraan upang umunlad at magkaroon ng direksyon ang aking buhay, na nawala mula nang hindi ko naabot ang pangarap kong maging isang Electronics Engineer. Sumulat kasi ako noon sa Malacanang, panahon pa yon sa pamumuno ni Tita Cory. At napakasaya ko noon na nabigyan ako ng isang scholarship loan ng Department of Education Culture and Sports sa tulong ng Social Security System na s’yang funding institution sa programang tinatawag na “Study Now Pay Later Loan Program.” Kaya nga lang, ang kuwentong ito ay napakasalimuut at malungkot ang kinahantungan (Bahagi sa kuwentong ito ay nasa aklat kong “from Darkness to the Light.”). Nugunit sa bandang huli natuklasan ko rin ang mga mahalagang aral na itinuturo nito sa akin sa muli kong pagharap sa pagsubok ng buhay.


ANG PAG-ALIS

Madaling araw palang, gising na ako. Napakatahimik ang paligid; nakakalungkot isipin na aalis na ako, lalo na’t matagal narin akong naninirahan sa lugar na ‘yon. Bitbit ko na ang daladalahan ko, pero, kahit marami ang nabawas, mabigat parin. Pagbaba ko, ingat na ingat akong hindi makalikha ng anumang ingay, baka may magising pa, nakakahiya. Gusto ko, walang makakita sa aking pag-alis. Binuksan ko ang pintohan ng bahay. Paglabas ko, tingin ako sa may kaliwa at kanan, walang katao-tao ang iskinita; salamat naman, ako’y napabuntong hininga.
Wala akong kapera-pera, pero kailangan akong sumakay ng Jeepney. Ah, dali lang ‘to, sanay na ako sa ganitong pangyayari. Ayaw ko na sanang magmaka-awa, ngunit ngayon ay kailangan. Nang marating ko ang dako kung saan dumaraan ang mga Jeepney na maghahatid sa akin doon sa pupuntahan ko, may kaba ang aking dibdib; sa dahilang, matagal-tagal na ring hindi ko nagagawa ang naisipan kong gawin. Kukunti palang ang mga sasakyan na dumadaloy sa lansangan sa mga oras na iyon. Ang mga mata ko ay nakatutok sa mga signboard na nakapaskil sa may harapan ng mga Jeepney. Hinahanap ko ang katagang Muñoz. Hindi gaanong katagalan, malayo-layo palang napansin ko na ang naturang Jeepney. Nang papalapit na ito, ang una kong tinitingnan ay ang mukha ng driver: Kung may kaastigan hinahayaan kong dumaan. Nang sa tingin ko ay mabait ang driver, yon ang pinara ko. Upang maiwasan ang kahihiyang pagtatalo, nakiusap akong makikisakay dahil wala akong pambayad, at salamat naman ako ay pinagbigyan.
Mababait ang mga tao sa pinuntahan kong simbahan; pinakain ako at hinahayaang makapagpahinga sa lobby. Kahit na hindi ako natulungan patungkol sa tirahan, malaking tulong narin yong ginawa nila. Tuwing umaalis ako iniiwanan ko ang bagahe ko sa security guard ng simbahan.
Madaling hanapin ang pagkain, pero ang tirahan ay napakahirap. Sinubukan kong makiusap sa isang police station, ngunit nandoon ang pag-alala at takot sa pananalita nila; wala akong nagawa, kundi sa tabi ng kalsada o, minsan, sa tabi nang malalaking tindahan ako natutulog. Halos ayaw kong matulog sa pag-alalang may biglang sasaksak sa akin, baka hindi na tuloy ako makapag-abroad.



ANG TINDAHAN

Ngayon, maytakot ako sa sarili, dahil maypangarap ako, noon, matagal na—wala—kaya nga, puwede na kahit anong mangyari. Mga ilang araw din akong nagpalaboy-laboy, gutom, at walang paligo. Isang araw, nanghingi ako ng pagkain sa isang maliit na kainan sa tabi ng kalsada. Isang may edad na babae ang nagbigay sa akin. Sa tingin ko, na enteresado siyang malaman kong ano ang nangyari sa akin, ba’t nagkaganon ako. Matapos kong maekuwento sa kanya ang dahilan, inalok niya akong tutulong-tulong sa tindahan upang magkaroon ng pagkain. Nang ako ay natrabaho na doon, kahit walang sahod, hindi lang ako nagkaroon ng pagkain, nagkaroon din ako ng tulugan. Karamihan kasi sa mga kustomer ay mga Jeepney driver. Gabi-gabi may mga nakaparadang mga Jeepney sa tabi ng kalsada, malapit sa tindahan; doon ako natutulog. Sa araw, minsan sinasama nila akong mamasada at binibigyan naman ako ng konting pera. Sa hangad kong magkaroon ng hanapbuhay, kumuha ako ng student permit sa pagmamaneho. Nanghingi ako ng konting donation sa mga kaibigan kong driver hanggang nakalikum ako ng halagang pambayad. Mabuti nalang hanggang kuha lang ako ng student permit pero hindi ko naman nagamit—hindi naman ako nag-aral mag-drive. Kung interesado talaga ako, baka driver na ako nagayon at, malamang, hindi ko sana maisipang magsulat. Ang may-ari ng tindahan ay hirap din sa kanyang negosyo; paminsan-minsan nga, walang tindang pagkain. Na-iintindihan ko naman ang paghihirap ng may-ari, kaya minsan, hindi na ako kumukuha ng pagkain sa tindahan nang libre, doon nalang ako nakikisalo sa malapit kong kakilalang mga driver.
Noong bago palang ako sa tindahan na ‘yon, akala nang karamihan kahalintulad din ako sa mga bad boys na palagi kong nakakasama. Ang mga ito ay mahilig kasing magyabang, at tawanan pang pinamamalita ang kanilang panghu-hold-up daw ng mga pasahero at iba pang mga katarantaduhang ginagawa nila. Iwan ko lang kung totoo ba ang mga pinagsasabi nila. Ngunit sa dahilan na nakita nilang mayro’n akong mga libro, at araw-araw na nag-aaral ng salitang French, doon nila napansin ang malaking kaibahan ko sa mga kaibigan ko. Sa panahon na ‘yon umaasa parin ako na makarating sa ibang bansa, kaya nga, wala akong tigil sa pag-aaral ng French. Ngunit mayro’ng isang malaking problema, kailangan akong masanay sa aktwal na pakikipag-usap. Dati, malimit akong nakikipagkuwentohan sa mga French kahit hirap ako, doon sa pinanggalingan kong Bahay Amponan. Pero ngayon hindi ko na makayanang pumunta doon, malayo kasi ‘yon, wala akong pera. Naisip ko nalang maghanap ng isang taong marunong magsalita ng French na hindi malayo sa lugar ko.
Doon sa dati kong pinag-iwanan ng mga gamit, ang alam ko, maraming mga taga-ibang bansa doon. Pupunta ako doon! yon ang naisip ko. Araw ng linggo iyon, di ko malilimutan, doon ako nakaupo sa lobby at mapasensyang naghihintay kung kailan mag-umpisa ang pulong o pagsamba. Nang may ilang minuto nalang bago magsimula ang pulong, pumasok na ako sa loob. Marami na rin ang mga nakaupo. Pina-ikot-ikot ko ang aking paningin sa loob ng silid; napansin ko, iilan lang ang taga-ibang bansa. Di bale, baka isa sa kanila ang hinahanap ko, sabi ko sa sarili. Matagal ang pulong, nakakapagod; di katulad sa katoliko, saglit lang, tapos na. Sa dahilang Linggo iyon, halos mapuno ang buong silid na may kalakihan rin. Inuunat ko yong katawan ko habang ako ay nakaupo, ang hirap talaga. Sa katagalan natapos rin. Pagkatapos ng salitang Amen, tumayo ako kaagad upang kausapin yong mga foreigner. Nagmamadali ako, baka aalis na; pero malas! Sa mga nakausap ko walang marunong. Ang una kong nakausap ay American, ang pangalawa English, mayro’n pang galing Iceland. Wala talaga ‘to, sabi ko. Ngunit saglit lang may napansin akong kakaibang itsura, itim. Ang alam ko maraming bansa doon sa Africa na French ang salita. Marunong yata ‘to, sa bi ko. Kaagad kong pinuntahan; walang hiya-hiya, sabi ko,
Excuse me Sir, my name is Anselmo; I am studying French and I am looking for someone who can speak the language. What about you Sir, can you speak French?
Ang gulat ko nang sinabi niya, “Yes I can, and I can write too.”
And do you have French books or magazines at home, dagdag ko.
“Yes I have,” sabi niya.
“Can I borrow one or two of them, I need something to read at home,” pangungulit ko.
“Ya, I will bring it”
When? tanong ko.

Yon, nakita ko rin ang hinahanap ko. Ang mama pala ay isang Ghanian. Dahil pastor pala yon, nagkaroon ako ng pag-aaral sa biblia. Noon pa, mayroon nang nag-bible study sa akin, kasamahan rin nila. Ngayon na maybagong nagtuturo na sa akin, hininto nalang yong pag-aaral na yon.
Tamang-tama rin na sa buwang iyon paparating ang container van n’ya galing sa Japan, naglalaman ng mga surplus na spare parts ng sasakyan. Upang magkaroon ako nang mapagkakikitaan tutulong-tulong nalang ako pagdating nang container van, yon ang naisip ko. Pero ang tagal dumating. Ang tindahan rin sa kasamaang palad naghihingalo na rin, palagi nalang walang tinda. Dumating ang araw na walang-wala na talaga at magsasarado na. At ang mga Jeepney diver ay doon na kumakain sa katabing tindahan. ‘Yon din ang panahon na inaasahang darating ang container van galing sa Japan. Dahil dito, sa tingin ko, malulutas ang problema ko.


SAN DIEGO DRIVE

Ang warehouse ng maging boss ko ay hindi gaanong malayo mula sa Muñoz; nilalakad ko nga lang. Ang warehouse ay nasa bandang dulo ng isang dead end na eskinitang pinapangalanang San Diego Drive. Ang nakapagtataka, ang iskinitang ito ay hindi naitala sa opisyal na mapa ng Quezon City, ang lungsod na sumaklaw nito. Ang balita, nalimutan daw ng developer ang pagrehestro ng pangalan doon sa sangay ng goberno na namamahala nito. Hindi ko maisip na ako ay magtagal dito sa loob ng limang taon, higit o kumulang. At hindi ko inaakala na dito ko matuklasan ang simpling pamamaraan upang magkaroon ng kapayapaan ang aking isipan na nagbabago sa buhay ko.
Noong una kong punta dito, naghintay muna ako sa may bungad ng iskinita malapit sa isang kainan, dahil yon ang sabi sa akin. Inaasahan na darating ang container sa gabing ‘yon. Matagal akong naghintay, pero walang dumating. Maya-maya dumating ang boss ko; sabi, hindi raw makakarating ang hinihintay namin sa gabing iyon. May mga tao ring dumating na tutulong sana sa pagbaba; paano, hindi makakarating, di, nagsiuwian ang lahat. Bago umuwi ang boss ko, tumuloy muna kami sa warehouse. May nakatira pala, isang matandang lalaki. Uuwi sana ako, pero mahirap din ang galagayan ko doon, kaya nga doon nalang ako sa warehouse natutulog, at doon narin ako tumira. Ang problema walang tubig, manghingi pa sa mga kapit-bahay. Masuwerte nalang mababait sila, binibigyan rin kami.
Mga ilang araw nalang ang nakalipas wala pa namang dumating na container, hilong-hilo na ako sa gutom; maganda nalang yong matanda may pamilya, umuuwi siya doon paminsan-minsan. Isang araw may dumating, kaibigan ng bossing ko, ang pangalan ay willy; may inaasikaso siya sa bahay na katabi lang ng warehouse namin. Nagkaroon kasi ng construction doon, araw-araw may mga tao na nagtatrabaho. Nang makita ang kalagayan ko ipinasok niya ako doon upang kumita rin kahit papaano. Nagkaroon tuloy ako ng pera—at na-solve ang problema.
Sa loob nang kalahating buwang paghihintay, dumating din ang container van. Ngunit, ang trabaho pala ay hindi biro; isa itong 40-footer container, na naglalaman ng mga mabibigat na bagay. Nag-umpisa kami nang alas nuwebe ng gabi, natatapos kami mga madaling araw na. Hinihingal ako sa loob ng container habang pinagtulung-tulungan naming binubuhat ang mga malalaking makina ng sasakyan. Sumasakit yong mga braso ko, lalo na yong beywang ko. Akala ko talaga susuko ako, pero natapos rin namin sa katagalan. Nang ang lahat ay naibaba na, ang warehouse ay nagmistulang isang junk shop—kalat dito kalat doon. Ang hirap pala sa trabaho dito, hindi yata ako magtatagal sa ganitong trabaho, sabi ko. Kinaumagahan yon ang pinakahirap sa lahat, masakit na masakit ang buong katawan ko; parang ayaw ko nang kumilos. Hindi naman maaaring hindi ako tutulong sa pag-aayos. Ngunit, unti-unting nawawala rin ang kirot habang sapilitang naigalaw-galaw ko ang aking katawan.
Binigyan ako ng limang daang pesos bilang suhol sa pagbaba ng mga kagamitan. Wala akong fix na sahod, kahit magkano lang ang ibinibigay; tama na ‘yon para sa akin. Marami ang bumibili ng surplus, kadalasan mga whole saler. Mga isang buwan lang yata, ubos na ang paninda. Pagkatapos wala ng trabaho, hanggang maubos nalang yong pera kong naipon. Dalawang beses lang kasi ang dating ng container, o kung minamalas-malas isang beses lang isang taon. Nakakatulong din ang bigas na paminsan-minsanang ibinibigay ng bossing namin sa panahon na walang ginagawa. Ngunit masaya ako dahil araw-araw akong nakapag-aaral ng French. At kasabay nito, nagsasaliksik ako ng mga pamamaraan upang umunlad sa tulong nang ating isipan. Noon pa, nakapagbasa na ako ng mga bagay-bagay patungkol sa isipan. Elementary pa ako noon, sa probinsya ng Zamboanga del Norte, malimit akong dumaan sa isang bahay na sementado. Upang magkaroon siguro ng libangan ang may-ari, ang harapan nito ay ginawa nilang tindahan. Tuwing bibili ako, nakikita ko ang daming libro na nakahilira sa dingding ng isang silid sa may looban. Kilalang-kilala ko ang matandang lalaki na madalas kong nakikitang nagbabantay sa tindahan. Isang araw naisipan kong manghiram ng libro. Nang sinabihan ko ang matanda, pinahiram naman ako. Pagpasok ko, ako’y nagulat; hindi ko akalain na ganoon ka raming libro ang makikita ko sa loob ng silid na ‘yon. Hindi pa ako nakakita nang gano’ng karaming babasahin. Tao paba kaya ang nakatira dito? tanong ko sa sarili. Ang karamihan sa mga aklat ay malalaki at makakapal. Tanong ng matanda sa akin,
“Anong topic ang gusto mo?”
Nahihirapan akong sumagot. Sa isip-isip ko, Ano kaya!
Sabi ko nalang, Kahit ano!
“Ano, gusto mo nang, tungkol sa isipan, ESP.” At pinaliwanag niya sa aking kung ano ‘yon, sabay hugot ng naturang libro sa kanyang maayos na pagkasalansan mula sa isang hilira ng mga aklat.
“Katulad ng aso ko, kinakausap ko ‘yan sa pamamagitan ng ESP paminsan-minsan,” sabi niya sa akin.
Sigi, ‘yan nalang.
Nang ito ay naibigay na sa akin, ang bilis kong umuwi at binasa ko kaagad-agad ang aklat. Kinabukasan, Ano kaya kung susbukan ko! Tamang-tama ang Nanay ko ay namamalengke, walang ibang tao sa bahay—patay na kasi ang tatay ko, maliit pa ako noon, at ang mga nakakatandang kapatid ko, ako kasi ang bunso, yong isa palaging wala sa bahay at yong dalawa naman ay may kanya-kanyang asawa na. Doon ako sa sulok ng bahay at parang gagong sinusunod yong binabanggit sa libro. Di bale subok man lang. Sabi ko sa isipan ko, Nay! bili ka nga ng tinapay. Yon lang ang naisip ko.
Hindi naglaon dumating ang Nanay ko mula sa palengke. Ano kaya, may dala kayang tinapay? Para namang wala. Mayamaya, ang laking gulat ko ng inabot niya sa akin ang isang plastic na may lamang mga tinapay. Hindi ako makapaniwala, napaka-imposible naman. Baka nagkakataon lang. Ayaw ko talagang maniwala, sinubukan ko ulit, hindi na nagkatotoo. Isang coincidence lang pala ‘yon, sabi ko.
Wala gaanong babasahin doon sa probinsya namin, kaya nga masuwerte ako ngayon na ang tinitirahan kong warehouse ay malapit sa mga Bookstore at malalaking mga Mall na nakapagbigay sa akin ng impormasyon at inspirasyon. Sa mga panahong ito, nakapag-ipon na ako ng mga karunungan patungkol sa isipan. Ngunit ang aking mga karanasan ay nagpapahiwatig na ang mga pamamaraan na aking nabuo ay hindi pa sapat na masasabi kong natagpuan ko na ang aking hinahanap.
Dati, naka-ugalian ko na ang pag-ehersisyo, kaya nga sa tuwing may panahon ako pumupunta ako sa Quezon Circle upang mangdya-jogging. At madalas rin akong nakikisali sa isang Chinese exercise na palagi kong nakikita noon ngunit hindi ko lang nabigyan ng pansin. Katulad ng ibang mga pamamaran nagdulot din ito ng magandang epekto sa katawan. Ganito ang aking pagsasaliksik, sinusubukan ko ang iba-ibang mga pamamaraan katulad ng yoga—ang kuwentong ito ay mababasa sa aklat na isinulat ko (from Darkness to the Light). Ang isa sa napakaganda ngunit nakakikilabot na karanasan ko tungkol sa isipan nangyari noong nasa lansangan pa ako, at nakatira sa loob ng isang kesami ng isang waiting shade sa harapan ng Manila City Hall—ang buong kuwentong ito ay matutunghayan sa aking aklat na pinamagatang “from Darkness to the Light.” Doon ko naranasan ang “tunay na kahulugan ng salitang kapayapaan” na hinding-hindi ko matatagpuan kahit saang dako ako pumaroon. Parang ako ay lumulutang-lutang sa isang mundong walang lungkot at kabalisahan—napakaganda! Subalit, sa mga panahong iyon wala akong tamang pamamaraan upang madama ang ganong kalagayan sa anong oras na gusto ko. Sa katagalan kong pagsusumikap na matutunan ang tamang pamamaran, natuntunan ko rin ito. Ang kapayapaan sa isipan ay nagdulot sa akin ng sigasig sa buhay at pag-asa ng isang magandang hinaharap. Hindi lang ang pananaw ko sa buhay ang nagkaroon ng pagbabago pati narin ang aking kalusugan. Nawawala ang matinding pananakit ng aking katawan tuwing magkaroon kami ng trabaho sa warehouse. Isang bagay na hindi ko akalain na mangyayari—ang kuwentong ito ay nasa aklat kong “from Darkness to the Light.”


ANG PAG-SUSULAT

Dahil sa napakagandang karanasan ko sa aking nabuong napakasimpleng technique, naisipan kong gumawa ng aklat. Gusto ko na ring magkaroon ng isang panibagong hanapbuhay. Ngunit, parang imposible ang iniisip ko, wala akong magagamit sa pagsusulat, kailangan ko ng computer, saan ako kukuha ng pambili. Sa pagkakataong ito, dito ko napapansin ang mga mumunting himala sa buhay ko, na maaaring nangyari noon ngunit hindi ko lang naalintana.
Mula ng ma-isipan kong magsulat at naghahangad na magkaroon ng computer, mga ilang araw lang may nagpapahiram sa akin ng isang laptop computer; may virus ito, ngunit, gumagana pa. Kahit may virus, ginamit ko ito at inumpisahan ko kaagad ang pagsusulat. Pero malas, mga dalawang linggo lang, nasira din ito. Nngunit tuloy parin ako; papel at ballpen na ang gamit ko; ang hirap, daming bura-bura.
Mga ilang araw ang lumipas, napadaan yong isang teenager na batang lalaki, kapitbahay namin. Tungkol sa computer ang napag-usapan namin. “S’yanga pala, mayroon akong computer, sandali lang ha kukunin ko,” sabi niya. Ilang saglit lang, bumalik siya, dala na yong computer at inabot sa akin upang matingnan.
Tingnan mo nga ‘to kung gumagana pa ba!
Tamang-tama may step-down transformer ako na puwede sa 110 at 100 volts. Isa palang lumang model na Japanese word processor ang nabili niya. Pag-switch ko ng on lumiwanag yong screen at mga Japanese characters yong nakita namin. Sinubukan namin na makapagsulat ito nang English pero hindi namin malaman kung paano. Kaya sabi nalang niya, “Sa’yo muna ‘to, hindi ko naman ginagamit.” Tuwang-tuwa ako, baka magawa’n ko nang paraan.
Pinag-aralan ko ‘yon, araw-araw, hanggang nalaman ko halos ang lahat na functions nito. Dahil sa word processor na ‘yon, nakapag-aral tuloy ako ng salitang Japanese upang maintindihan ko kahit kunti ang mga nakasulat. Bumili ako ng mga libro at nanghalukay ako ng mga impormasyon sa Internet upang maintindihan ang mga file format na ginagamit ng Japanese.
Sa aking paghihirap, sa katagalan nagamit ko rin ang Japanese word processor sa aking pagsusulat ng aklat. Nngunit may malaking problema, ang memory nito ay napakaiksi, mga sampung pages lang bawat file. Nangangahulugan ito ng napakaraming files upang makabuo ng isang aklat, at ang pagsasaayos nito ay napakahirap at napakagulo. Wala akong magagawa kundi magt’yaga kung ano ang mayroon ako. Sa kalaunan, ibinigay na sa akin ang word processor; ayaw kasi ng mga magulang ng bata na dadalhin ito sa probinsya nila—ang laki kong pasalamat.
Habang nagsusulat ako, doon ko nalalaman na ang aking kakayahan sa pagsulat ng English ay hindi sapat. Dahil dito ako’y nagsusumikap na mag-ikot-ikot sa mga bookstore upang makahagilap ng mga kaalaman. May mga panahon na masyado akong nalulungkot sa mabagal na pag-usad ng aking proyekto. Ngunit dahil sa aking natuklasang pamamaraan napawi kaagad ito, at muli akong nagkaroon ng tapang upang magtagumpay sa aking ginagawa.


SINGAPORE

Dati, kumuha na ako ng Pasaporte. Akala ko talaga, di na magtatagal at makakaalis na ako papuntang France. Oktobre ng taong 2002 ko kinuha ang pasaporte ko. Sino bang mag-akala na ang maitatak na bansa doon ay hindi France, kundi, Singapore. Ito ay nangyari dalawang buwan bago mag-expire ang aking Pasaporte. Yon ang pinaka-unang pagkakataon na tumungtong ako sa isang eroplano. Dito, kasama ko ang aking boss na isang Ghanian. Pagkatapos lumapag ang eroplano doon sa airport ng Singapore, pumunta kami sa isang silid kung saan nakikipila kami para sa pagsisiyasat ng Pasaporte. Hindi nagtagal, ang laking gulat ko nang biglang may dumating na mga taong naka unipormi at dinala ang aking boss doon sa interogation section. Natatakot ako noon, hindi lang ako nagpapahalata; e, baka pati ako huhulihin rin. Yon, tuloy-tuloy parin ako hanggang nakapasok talaga ako. Lumakad muna ako nang lumakad; lumingon lang ako, upang tingnan kung ano na ang nangyayari, nang nandoon na ako sa malayo. Paglingon ko, tamang-tama na nakita kong itinuro ako ng bossing ko; akala ko pati ako nasabit na. Dahil doon, inaasahan ko na may dadampot na sa akin; pero, wala naman. Maya-maya natapos rin ang pagtatanong nila sa kanya, at pinapapasok na ito. Sa panahon na ‘yon hinigpitan pala ng goberno ng Singapore ang pagpasok ng mga Nigerian na wala namang sapat na dahilan upang bumisita sa bansa. Yon pala; akala ko ano na. Sa napakalinis na lungsod na ito, dito ko nakikita ang isang kapansin-pansin na pangyayari—parang masasabi nating may mga forces talaga na minsan ay gumagabay sa atin upang makita natin ang ating hinahanap.
Ang pakay namin sa Singapore ay ang pamimili ng mga kagamitan ng sasakyan. Ngunit kahit anong hanap namin mangilan-ngilan lang ang nagkaroon ng stock. Hindi masyadong mahirap maghanap ng mabibili doon sa Singapore kasi may Zoning: Kahit nga mga tindahan ng pagkain ay makikita mo sa iisang lugar, hindi watak-watak. Buong araw kaming naghanap; nakakapagod, kasi lakad ng lakad. Mabuti nalang maganda ang mga tanawin—daming mga kahoy kahit saan kami pumunta. Dahil halos walang mabibili, naisip ng boss ko na pupunta kami sa Malaysia. Pero kahit na nakikita na namin ito at napakalapit lang, magastos daw ang proseso, kasi tatawid na naman ng ibang bansa. Di inaasahan, naiwanan ko ang sapatos ko na pangtrabaho at isang T-shirt sa loob ng isang plastic bag doon sa warehouse ng isang tindahan. “Oh, I left something! Can we go back there?” sabi ko sa boss ko. Nang dumating kami upang kunin yong naiwanan ko, biglang may nakapagsabi sa bossing ko na may isang tindahan na nagtitinda sa hinahanap namin, nasa tabi lang nila. Ayon, pagpunta namin, ang dami pala doon. Dahil dito, hindi na sayang ang byahe namin.
Nang pauwi na kami, ilang ulit kaming pumara ng taxi ngunit wala namang humihinto. Nang hindi na kami naghanap at iikot na sana kami sa may kanto, bigla pa namang my huminto na isang van type na sasakyan at pinasakay kami. Tininggan ko yong boss ko, sumakay naman, di, sumakay rin ako; akala ko talaga Police yon at hinuli na kami; baka bawal pumara ng sasakyan sa lugar na yon. Nang nagkakuwentohan na, papunta sa trabaho pala yong mama; at nang makita kami na may dala-dalang bagahe naiisipan niyang ihatid kami doon sa airport, bale, sideline niya. Nakarating talaga kami ng airport hanggang sa loob ng eroplano. Ang tagal lumipad; naiinip na ako. Maya-maya may nag-anonsyo. Sabi, mayroon dawng problema, may isang parti daw ng eroplano na ayaw mag-sara; at hinihintay lang daw ang engineer. Kabado naako; e, paano na kung biglang tumirik doon sa itaas; hindi ko na talaga matatapos yong aklat ko, yon ang nasa-isipan ko. Maya-maya nag-anonsyo ulit, okey na raw ito, at iilang minuto nalang aalis na daw. Mga ilang oras lang, na sa Pinas na ako ulit, at nagpapasalamat na ako ay ligtas.
Iisa lang ang nasa isipan ko pagdating ko, ang pagsusulat ulit. Ilang beses ko nang sinasabi sa sarili na matatapos ko na ang aklat, pero nang ulitin ko na naman sa pagbasa hindi pa talaga ako kuntento. Hanggang dumating sa puntong ako’y pagod na, gusto ko nang matapos ang ginagawa ko. Nagpasya akong ibigay na ang manuscript sa isang publisher. Ang nangyari, pinadala ko ang hinihinging dalawang sample chapter at summary sa isang publisher na napili ko. Ayaw naman nila nang buong manuscript. Akala ko magustuhan nila, pagdating ng isang buwan, may natanggap akong e-mail sabi, “Sorry, we cannot publish your work. Thank you for your interest in our services.” Ang ikinadismaya ko, wala man lang binanggit na dahilan, para man lang malaman ko kung anong problema sa manuscript ko—marami ba masyado ang grammatical error na imposible ng ma-edit, o kaya ang kwento ba ay hindi maganda, o di kaya’y hindi maintindihan. Naisip ko tuloy na baka natatakot silang hindi kikita ang libro sa dahilang hindi ako kilala—di, malulugi sila. Dahilan sa sama nang loob ko, nagkaroon tuloy ako ng balak na magtayo ng sarili kong publishing company balang araw. Dapat sana nagbigay sila ng payo kung anong dapat gawin para naman maliwanagan yong gumawa. Sa mga sandaling iyon, masuwerte akong nakahiram ng isang laptop computer. Japanese nga lang ang operating system, windows 98. Ang naka install na mga software ay Japanese version lahat; kaya nga may kahirapan. Kung pagsulat lang ang pag-usapan sapat na ang laptop na ‘to. Nag-aaral-aral pa kasi akong gumawa ng website. Napunta tuloy ako sa HTML, CSS at iba pang mga programming languages na ginagamit sa web. Pagkatapos, nagdo-drawing pa ako sa computer, Paint nga lang ang ginagamit ko. Nag-aral din akong gumawa ng presentation ko sa Power Point. Ang pagnanasa kong matuto ay nabigyan ng kunting daan dahilan sa laptop; kahit na nagrereklamo ito paminsan-minsan, sabi n’ya “wala ng memory.” Napakaliit ang memory nito, 48 mega bytes lang at ang clock speed ng processor ay 166 mhz lang, napakabagal. At ang petsa nito ay bumabalik na sa petsa noong ito ay ginawa, noong taong 1999. Napag-alaman ko na dahil ito sa nauubusan na ng battery ang BIOS. Pero walang problema para sa akin, basta gumagana siya, okey na, pansamantala.
Ang pagpoporsige kong matutong gumamit ng computer habang nagtatrabho ako nang kahit anong manual labor ay malaking tulong sa aking mga project ngayon; dahil ako na ang nagde-design ng cover at pati page lay-out ng aklat ko.
Araw-araw, mula umaga hanggang hapon akong nagtatrabaho, ini-edit ko nang ini-edit ang manuscript sa hiram kong laptop. Dito ko napansin na marami palang mali. Ang nagpapahiram sa akin ng laptop na ito ay isang kaibigan ko na nagtatrabo sa isang Japan surplus na tindahan, na ang may-ari ay kakilala ko rin. Dahil pinapahiram ako, tinuturuan ko rin siyang gumamit ng computer. Isang araw pumunta nalang yong may-ari sa warehouse at sinabihan akong h’wag ibigay sa kanila ang laptop na nasa akin kung kunin nila, pinalayas na raw niya ang mga iyon; may ginawa daw na hindi maganda. Napakagulo ang panahon na yon. Pati ako nadamay, nagkaroon nang suspetsa yong isang kamag-anak ng may-ari na kakunsabo ako. Hindi nalang ako umimik upang hindi lalaki. Kaya malaking pasasalamat ko nang ibinigay na talaga ng may-ari ang laptop sa akin. Hindi ko talaga sukat akalain na mapunta sa akin ang laptop sa ganoong kagulong proseso. Pero kahit gano’n ang nangyari nagpapasalamat parin ako sa kaibigan ko, na siyang naging tulay upang mayroon akong magamit sa aking pagsusulat.
Ang pang-apat na taon ko sa warehouse ang pinakamahirap, halos wala ng trabaho, di wala naring pera. At hindi ko pa matapos-tapos ang aklat. Paano na ‘to, sabi ko. Binabalak ko nang mag conduct ng lectures tungkol sa technique na aking natuklasan. Ang malaking hadlang, wala na man akong perang pangtustos; halos nga wala akong makain. Imposible yata, sa tingin ko. Mayroon na akong nai-design na brochure, pero hanggang doon lang, wala pa akong lakas na loob upang isakatuparan ito. Hanggang dumating nalang ang pagkakataon na lilipat na nang puwesto ang aking boss; magtitinda daw muna ng mga air-con compressor at alternator. Ito’y hindi ko nagustuhan, paano nalang yong ginagawa kong aklat; sigurado, hindi na matatapos ito kung nagbabantay na ako ng tindahan; part time puwede; ngunit ayaw naman ng boss ko na ganoon. Wala akong nagawa, humihiwalay na ako sa kanila. Kahit anong mangyayari, tatapusin ko ang aklat! yon ang madiing sabi ko sa sarili. Noong binitawan na ang warehouse, maganda naman, mabait ang may-ari at hindi ako pinapaalis. Wala na akong problema sa tirahan, pagkain na lang.
Ang San Diego Drive ay tahimik na pook—parang probinsya. Sa bandang kanan at kaliwa nito ay subdivision, kaya nagmukha rin itong subdivision. Sa paligid ay may mga punong kahoy na maganda sa paningin at talbos ng kamote na pang-ulam. Dahil alam naman sa mga nakatira dito ang kalagayan ko, paminsan-minsan may natatanggap akong mga pagkain galing sa mga kapitbahay, na ikinakatuwa ko rin. Lalung-lalo na yong hilong-hilo na ako sa kako-computer ngunit wala pa akong kinakain, pagkatapos, bigla nalang may tatawag sa akin at may dala-dalang pagkain—ang laki talaga ng pasasalamat ko Naiisip ko kaagad na blessing yon galing sa itaas. Minsan rin, nagkakaroon ako ng pera sa tuwing mayro’ng nagpapatulong sa pagbubuhat o may-ipinapagawang kahit anu-ano; malaking tulong na rin yon.
Isang araw, naiinis na ako sa kakapusan ng memory ng computer ko; tuwing nauubos na ang kanyang tinatawag na “resources” kailangan ko pa kasing i-restart ito upang gumana ulit. At sa dahilang natatakot akong masisira, kadalasan hindi ko na ire-restart, pinapatay ko nalang; kinabukasan nalang ako magtatrabaho ulit. Malaking abala talaga, nagmamadali pa naman ako. Alam ko na memory ang problema, di yon ang pinalitan ko. Ngunit, hindi naman gumana, e, di binalik ko nalang yon dati niyang memory. Pagbukas ko ulit ng computer, hindi na ito naglo-load ng Windows. Doon ako nag-alala: paano na yong mga files ko, may mga malalaking files kasi na hindi ko mai-save sa diskette. Ang naisip ko kaagad, PERA—saan ako kukuha ng pera. Tumakbo ako sa pinakamalapit na kapitbahay upang manghiram, pero isang daan lang ang maibigay; e, tinanggap ko rin, pandagdag. Kahit wala akong pera, dinala ko ang laptop sa repair shop. Sabi sa computer technician na-corrupt daw; kailangang i-reformat daw ang hard disk. Pumayag nalang ako, basta maayos lang. Siningil ako ng 1,500 pesos. Kinabukasan, nagbabasakali akong makahiram ng pera sa isa kong kapitbahay na negosyante. Para akong nawalan ng tinik ng pinahiram ako sa halagang kinakailangan ko.
Nakatulong yata ang pagbanggit ko sa technician na nagsusulat ako ng isang aklat, dahil, pagbalik ko sinabihan ako na nagawa’n raw ng paraan. Wala dawng nagalaw kahit isang file. Malaki talaga ang pasasalamat ko; akala ko nabura na ang lahat na files sa hard disk. Isang libo nalang ang singil, sa halip na 1,500. At nagtanong narin ako sa computer technician kong paano mailipat ang isang malaking file papuntang diskette. Doon ko nalaman ang isang file compression software na puwedeng makapaglipat ng isang malaking file papuntang diskette sa isang pamamaraang tinawag na “disk spanning.” Unti-unting nalulutas yong mga suliranin ko, malaki talaga ang pasasalamat ko.
Maliban sa lupa na tinatayuan ng warehouse, ang may-ari ay may dalawa pang puwesto katabi lang ng warehouse, at pinapaupahin rin. Ngayon, may kaibigan ang dati kong bossing na gustong mangungupahan sa dalawang puwesto na yon, enkaso yong isang puwesto maghintay pa ng isang buwan bago mabakante. Dahil dito sumang-ayon ang may-ari na gagamitin ang warehouse na tinitirahan ko pansamantala, hanggang mabakante ang naturang puwesto. Noong una, maganda ang relasyon namin. Natutuwa rin ako na dumating siya, kahit papaano nagkaroon ako ng pagkain. Alam naman niya na hindi ako sa lahat na oras na makakatulong sa kanila dahil sa ginagawa ko.
Ang negosyo niya ay buy and sell daw ng sasakyan. Sa tingin ko parang mabait naman. Isang araw, nagkakuwentohan kami tungkol sa aklat; nang malaman niyang tungkol ito sa isang napaka simpling pamamaraan upang magkaroon ng kapayapaan ang isipan, sabi niya kaagad sa akin, “Turuan mo nga ako kung paano.” Hintayin mo nalang kung matapos ang aklat, malaman mo na yon, pangangatuwiran ko. Sabi pa naman, “Pahihirapan mo pa ako sa kababasa; ngayon na; o, papaano ba?” Tumawa lang ako; kasi, ang tao kung gusto talagang matuto ay magt’yaga. Hindi naman s’ya seryoso.
Isang beses may kaibigan akong, nag-alok sa kanya ng telivision, cd player, at power range, yong panghila. Kinuha n’ya lahat ‘yon, ngunit saka na ang bayad. Iilang balik nalang yong kaibigan ko wala pa ring ibinigay na pera. E dahil ako ang kakilala, ako ang palaging pinagsabihan. Sa katagalan, sapilitan naming kinuha yong mga gamit; ngunit, ang tagal bago naibigay ang mga ito. Kahit na wala siyang sinasabi sa akin noon, alam kong nagagalit siya sa akin dahil sa nangyayari. Pero tinutulongan ko lang yong may-ari; nagbibinta nga kasi walang pera, hindi pa babayaran, di, kunin na lang.
Sa warehouse may iniwanang apat na telivision, secondhand, galing Australia. (Ang may ari ng mga ito ay kaibigan ng dati kong boss.) Pati ito gustong kukunin, kaya nga nanghiram siya ng 110 volts na transformer sa akin, upang mai-testing ito. (Ngunit, ang katutuhanan hindi na kailangan ng transformer ang telivision, dahil 240 volts ito.) Sa dahilang hindi ko naisip na 240 volts pala ito, hindi ko siya pinahiram kasi mataas ang wattage ng telivision na siguradong hindi makayanan ng transformer ko. Dito na niya nailabas ang lahat na galit sa akin. Hindi daw talaga ako magpapahiram. Sinabi ko na sa kanya ang dahilan, ayaw namang makinig. Hindi naabutan ng isang linggo, pinaalis niya ako sa warehouse. Nanghingi ako nang isang linggo upang makahanap nang malipatan, pero hindi pumayag. Tumawag ako sa may-ari, nagkakataon ding nandoon sa probinsya. Sa simula, nanghingi muna ako nang tulong sa mga kapitbahay baka may maitulong sila. E, wala naman. “Maaari namang d’yan ka muna sa bahay-kubo na nasa bakanteng lote,” payo sa akin ng isang kapitbhay. Oo nga pala ano, sabi ko.


ANG KUBO

Bago nangyari yong pagpapaalis sa akin, may nagbalita sa akin na nabunggo daw ang matanda na nakatira sa may bakanteng lote. Sayang, kakaumpisa lang niya sa bagong trabaho n’ya—nabangga pa. Pinapapunta sa hospital ang dalawang kasamahan niya sa trabaho upang madalaw ito, dala ang sasakyan nila; sumama narin ako. Maganda nalang hindi napuruhan. Nang makarating kami, tuwang-tuwa ito nang makita kami.
Noong pinaalis ako, tamang-tama wala pa ang matanda; kaya nga, lumipat ako sa kubo kinabukasan. Inaayos ko ito hanggang maaliwalas na nang konti sa paningin. Kinaumagahan, hindi ko inaasahan, dumating ang matanda. Siguradong nagulat din siya nang makita ako sa bahay niya. Isinalaysay ko ang pangyayari, upang maintindihan niya. “Habang nag-aayos pala ako sa hospital kahapon, inihanda mo pala ang bahay,” pabirong sabi niya. Dati kong kasama sa trabaho ang matandang ito. Nagkahiwalay lang kami nang pinaalis siya ng boss namin. Dati, nagkaroon kami ng alitan, sigawan talaga; at hinahamon pa nga ako ng suntukan; maganda nalang hindi ako masyadong nagalit. Patindi nang patindi ang aming alitan. Isang araw nga, malapit ko na siyang mahataw ng isang dos por dos na kahoy. Dahil dito, hindi kami nag-imikan, hanggang napaalis siya. Hindi naman siya umuwi sa kanila, nagtayo tuloy siya nang kubo sa bakanteng lote na nasa harapan lang ng warehouse. Paglipas ng mga taon, unti-unti na rin kaming nagkaka-usap-usap. Hindi nalang namin pinagkukuwentohan ang mga nangyayari dati. Kung hindi dahil sa kubo na yon marahil, wala na ako sa pook na iyon, na tinatawag nilang San Diego Drive. Kasi, malamang na hindi ko naman siguro maisipan na magtayo ng kubo doon. Ngayon na nagkasama-sama kami ulit, sinabihan niya akong magkanya-kanya kami, kung gusto kong manatili sa kubo na iyon. E, maganda nalang na naunawaan ko yon; kaya nga hindi kami nagkaroon ng problema.
Nang tinawagan ang may-ari ng warehouse doon sa probinsya, nalaman na wala pala sa usapan nila na p’wede akong paalisin. E, paano nakalipat na ako, di na lang ako bumalik; hinihintay ko nalang ang pagdating nang may-ari, kung ano ang mangyayari. Ang masalimuut na pangyayaring ito ay nagbigay hadlang sa pagsusulat ko, wala akong magagamit na kuryente. Paminsan-minsan nakikigamit ako ng kuryente sa mga kapitbahay, ngunit sandali lang. Ang tinutukan ko nalang ng pansin ay ang pang-aaral ng tamang pamamaran sa pagsulat ng English at mga guidelines ng punctuation marks na napaka-importante. Araw-araw akong nagbabasa, ang hirap, ngunit, kailangan kong gawin.
Sa mga buwan na ‘yon, tatlong bahay ang sabay sabay na isinaayos, ang isa nito ay isang opisina. Nagkaroon kami ng maraming panggatong, na minsan ay mahirap hanapin. At iniligpit ko ang hindi na nila kinakailangang mga bagay-bagay katulad nang yero, flywood, kahoy at iba pa na magagamit ko pa.
Madalas kaming mabigyan ng pagkain ng mga kapit-bahay. Katulad noong nagkaroon ng bagyo: Araw at gabi, ang lakas ng hangin at ulan; ang hirap magsaing sa gano’ng panahon. Kung hindi yon titigil, kahit sandali, maaaring magugutuman kami. Nang pansamantalang tumigil ang ulan, narinig ko nalang ang sigaw ng isang kapit-bahay namin mula sa bintana sa pangalawang palapag; at pinapapunta ako sa gate. Nang nandoon na ako, binuksan ang gate at inabot sa akin ang isang malaking plato na punong-puno ng kanin at pansit. Tuwang-tuwa ako noon na tumakbo pabalik sa kubo at doon hinatian ko ang matanda sa dala-dala ko.

Samantala, ang mga inaasahan sa taong nagpapaalis sa akin ay hindi nagkatutuo, dalawang buwan lang, napaalis na siya, dahil sa pag-esyo ng isang bouncing check. Bago siya tuluyang umalis, nagkaroon kami ng matinding away na halos humantong san suntokan. Malaki siya, ako payat, pero hindi ako uurong. Ito ay dahilan sa electric bill na alam kong hindi na niya binabayaran, na nakapangalan pa sa dati kong boss. Ako kasi ang nakatanggap ng bill, kaya nga binuksan ko kaagad upang malaman namin kung magkano ang inabot. Doon namin nalaman na umabot na ito ng tatlong libo. Galit na galit ito nang malaman niya ang ginawa ko, sakatuwirang binili na raw niya ang account na yon, na hindi naman totoo. Doon kami nagkagulo. Sigaw ng sigaw siya ng putang-ina mo sa akin; baboy daw ako, nakikikain lang daw ako sa mga kapit-bahay at pakialamiro pa raw. Gumanti rin ako sa pagsigaw ng, “Ikaw, demonyo! Walang hiya! Sa galit nito, inutusan niya ang mga tauhan niya na hablutin ang mga gulay na tinanim nila para daw na hindi ko ito mapakinabangan. Pati ang isang katatanim lang na malaki-laking sanga ng malunggay hindi nakaligtas; binonot ito at hinagis sa akin; ngunit hindi naman umabot. Hindi ko sinadyang natawa ako sa nangyari, na ikinagalit naman niya nang husto. Sabi niya, “Natawa kapa a, may-oras karin!” Sabi ko rin sa kanya, Ikaw, may oras ka rin!
Kahit ganoon ka tindi ang alitan naming dalawa, ngunit hindi ito nakaapekto sa aking pakikitungo sa kanyang mga empleyado. Iniwanan pa nga sa akin ang tatlong manok at mga kagamitan ng kanyang mechanic na ayaw nang summama sa kanya.


NATAPOS KO RIN

Nang umalis na sila, naghintay ako ng mga tatlong araw siguro yon, bago ako lumipat doon sa dati kong tinitirahan na warehouse. Ang mga materyales mula sa mga inaayos na mga bahay, ay nagamit ko sa paggawa ng mas-magandang kuwarto kay sa dati. Pinintorahan ko pa ang loob ng puti at brown; at maganda naman tingnan. Sa pangungulit ko sa isang katapat na opisina, nagkaroon din ako ng koryente. Tuluyan na kasing naputulan ng koryente ang warehouse, gawa nang hindi binayarang electric bill. Dito, naituloy ko ang pagsusulat.
Kung hindi pa ako abalang-abala sa ginagawa ko maaaring napakalungkot ko dito. Ang tao ay nangangailangan ng kausap. At ito ay ipinapakita sa pelikulang cast away; kung saan ang crush survivor na bida na napadpad sa isang isla na walang katao-tao ay lumikha ng isang mukha mula sa isang bola, upang may makakausap. Kaya nga sa kalagayan kong nag-iisa ay masuwerting naging takbuhan ng mga yagit na pusa—may maliit may malaki. Kadalasan, ang bawat pupuntang pusa dito ay hindi na aalis. Gustong-gusto nila dito, kasi, walang disturbo. Masaya narin ako, tuwing nagpapahinga ako sa ginagawa ko, kahit papaano may nakakausap akong mga pusa. Nakakatuwa rin, para silang naging aso: tuwing darating ako takbuhan silang lahat at sasalubong sa akin; lalong-lalo na kung galing ako sa palengke. Ngayon, ang mga magulang ng may-ari sa lupa ay bumisita dito sa San Diego Drive. Nang malaman ng ina nito na marami akong pusa, araw-araw hinahatiran niya ako ng mga tira-tirang pagkain para sa mga pusa ko, na ang sabi niya ay nakapagbigay ng suwerte daw. Minsan kung wala akong ibang ulam maliban sa talbos ng kamote, patago rin akong namimili ng mga buto-buto doon sa ibinibigay na pagkain ng pusa, pangsahog ko sa talbos; o, di nakakaraos din ako.
Kahit na mukhang walang katapusan ang aking pagsusulat, ngunit dumating din ang araw na natatapos ko narin ang aklat ko. Ito ay naglalaman ng mga ala-ala, kuro-kuro sa buhay, at paglalakbay na humantong sa hindi ko inaasahang buhay-lansangan. At ipinapakita nito na may magagawa tayo upang mapaglabanan natin ang mga emosyong nakakasira sa ating buhay nang sagayon makamtan natin ang kapayapan, kaligayahan, at tagumpay sa buhay. Ito ay sa tulong ng isang pamamaraan na personal kong ginagamit, na nakakatulong sa akin upang maisakatuparan ang aklat kong “from Darkeness to the Light.” Sa tingin ko, lahat sa atin ay may kakayahan; hindi lang natin nagagamit ito minsan, sa dahilang, hindi natin natuklasan. Sa pamamagitan ng Pamamaraan ko, ang mga tinatawag na “hidden talents” ay kusang lilitaw upang iyong maramdaman na mayroon ka palang kakayahan na gagawin ang bagay-bagay na hindi mo naisipang magagawa noon. Parang imposible. Pero ito’y nangyari sa akin, kaya ako naniniwala.
Noon, mga dalawang taon na yata ang nakalipas, isang araw, naglilinis ako sa paligid ng warehouse; pinagbubunot ko yong mga naglalakihang mga damo. Nang napagawi ako sa may gilid ng sementadong flooring ng warehouse sa gawing harapan, may nakita akong isang maliit na kahoy na ang tawag nila ay “Anatiles.” Upang hindi lalaki, binunot ko ito. Ngunit sa tuwing nililinisan ko ang lugar na ’yon, nandoon na naman ang kahoy na yon. Sa pangalawang ulit, binunot ko na naman. Ngunit sa pangatlong beses na kabubunot ko, nang makita ko na sumisibol parin ito, nagsusumikap na mabuhay at lumaki, sinabihan ko nalang ito na, Sige, kung gusto mo talagang lumaki, hindi na kita bubunotin. Ayon, pagdaan ng ilang buwan, lumaki na siya. Tuwang-tuwa ako, at maganda naman tingnan. Pero ng mapansin ito ng boss ko, inutusan akong putulin ito; ngunit hindi ko siya sinunod. Hanggang umalis na lang siya sa lugar na ‘yon hindi naputol ang kahoy. Mabilis ang paglaki nito. Noong natapos ang pagsusulat ko, malaking-malaki na ang puno na nagbibigay ng lilim, preskong hangin, at mga maliliit ngunit matatamis na bunga. Hindi ko talalaga sukat akalain na aabot sa ganitong katayoan ang kahoy na ito. Isa siyang—survivor.
Ngayon na tapos na ang aklat, ang pinagtuunan ko na naman ng pansin ay ang paglalathala nito. Sa dahilang napakahirap mai-publish ang gawa nang isang hindi kilalang author, naisipan ko ang mga television stations upang maipakilala ang aking aklat. Dati, may na;g-advice sa akin na subukan ang programang “Wish ko Lang,” baka sakaling mabigyan nang katuparan ang aking hiling na mai-publish ang aking aklat na pinamagatang “from Darkness to the Light.” Noon, hindi ko pa iniintindi ang tungkol sa publishing, kasi, hindi pa naman tapos . Nang dumating na ako sa puntong ito, naisip ko uli iyon. Subukan ko kaya, yon ang naisip ko. Kaya nga, agad kong ginawa ang salaysay na ito.
Noong Feb 27, 2009 maaga akong nanghiram ng pera upang hindi ako maglalakad papuntang GMA. Pagbaba ko ng bus nagtanong-tanong muna ako kung saan ba talaga yong opisina. Hindi pala mahirap hanapin kasi nasa kanto lang, at hindi malayo mula sa binabaan ko. Ngayon, ang pagpapaliwanag doon sa security guard tungkol sa pakay ko ay may kahirapan sa simula, nabubulol kasi ako, hanggang naayos rin at naintindihan. Binigyan ako ng contact number upang maiparating ang aking mensahe sa Wish Ko Lang. Ang ginawa ko, pumunta ako sa may bandang likuran ng gusali at naghanap ng pay phone. Nang nasa linya na ako iminungkahi sa aking ng isang staff na e e-mail ko nalang ang kuwento ko para mabilis.
Ayon, naliwanagan rin ako kung ano ang dapat kong gawin, kasi hindi naman p’wedeng pumasok. Abalang-abala ako sa kaiisip sa mga posibleng kahinatnan nitong proyekto ko, habang ako’y paakyat sa over-pass. Sa mga sandaling iyon, pansamantalang nabura sa aking pansin ang paligid, kaya nga ang laking gulat ko na imbis mapunta ako sa kabilang panig ng daan upang doon ako maghintay ng bus pauwi, nandoon tuloy ako bumaba sa maling babaan. E, ano ba ‘to! sabi ko sa sarili. Nang mapansin ko ang nangyari, ako’y bumalik-agad sa pag-akyat at sinisigurado ko ngayon na mapunta sa kabila.
Sa loob ng bus, ang unang bumati sa akin ay ang isang awitin , na ang sabi “I never knew what brought me here, as if somebody led my hands…” Nagustuhan ko ang awiting ito, noon pa, kahit hindi ko naramdaman ang diwa nito. Inawit ito ng grupong “Survivors” na pinamagatang “Ever Since the World Began.” Pero sa kasalukuyan, nagbigay ito nang ibang damdamin para sa akin—nang mapansin ko na ang lahat na bagay ay may kanya-kanyang direksyon, at maaaring nagsimula ito mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa ngayon.
Alam kong malabo pa ang lahat, datapwa’t, masaya ako na nauumpisahan ko nang kumilos at gawin kung ano ang nararapat—at, maghintay sa mga sumusunod na pangyayari. Sabi nga ng ating salawikain “Kung hindi ukol ay hindi bubukol.”